Sunday, June 26, 2011

Iisipin ko

Iisipin ko na hindi bumabagyo
At ang lagaslas ng ulan ay di nag-iingay
Walang tumutulo sa loob ng bahay
Hindi liliparin yerong ipinatong lang.

Iisipin kong matindi ang araw
At ang sampay matutuyo naman
Naglalakad sa labas ng di mababasa
Matang lumuluha unti-unting makikita.

Iisipin kong masaya ang buhay
Kahit ang hapag ay puro tuyo na lang
Mapapatid din ang matinding uhaw
Kung ang oportunidad ay matatanaw.

Iisipin kong walang kaguluhan
Walang mang-aapi't walang inaapi
Doon sa tindahang puro na lang buwetre
Isang katutak na kotongan, 'sang katutak ang bukulan.

Iisipin kong libre ang eskwelahan
Walang bayaring pinag-iipunan
Ang ospital ay madaling puntahan
Nariyan lang kapag kailangan.

Iisipin kong umuulan na lang
Sa pagsikat ng araw ay wala rin naman
Patuloy ang pagkapaso sa initan
Lipunang walang patutunguhan.

No comments: