Iisipin ko na hindi bumabagyo
At ang lagaslas ng ulan ay di nag-iingay
Walang tumutulo sa loob ng bahay
Hindi liliparin yerong ipinatong lang.
Iisipin kong matindi ang araw
At ang sampay matutuyo naman
Naglalakad sa labas ng di mababasa
Matang lumuluha unti-unting makikita.
Iisipin kong masaya ang buhay
Kahit ang hapag ay puro tuyo na lang
Mapapatid din ang matinding uhaw
Kung ang oportunidad ay matatanaw.
Iisipin kong walang kaguluhan
Walang mang-aapi't walang inaapi
Doon sa tindahang puro na lang buwetre
Isang katutak na kotongan, 'sang katutak ang bukulan.
Iisipin kong libre ang eskwelahan
Walang bayaring pinag-iipunan
Ang ospital ay madaling puntahan
Nariyan lang kapag kailangan.
Iisipin kong umuulan na lang
Sa pagsikat ng araw ay wala rin naman
Patuloy ang pagkapaso sa initan
Lipunang walang patutunguhan.
Sunday, June 26, 2011
Monopolyo na naman
Ang iilang naghaharing uri'y nagbabanggaan
Ang demokrasya'y kanila ng pinaglalaruan
Matira ang matibay, magdurusa ang talunan
Tiyak ang tubo sa magwawagi ang hangganan.
Kalayaan sa merkado'y tuluyang niyurakan
Mapagtagumpayan lamang ang pagiging gahaman
Piso pisong text ngunit limpak limpak ang kitaan
At may bulong bulungan, wala namang pinuhunan.
At ano 'tong gustong magpasaya sa mamamayan
Animo'y bulag sa tunay na interes ng bayan
Naturingang taga-pangalaga ng karapatan
Namumuong monopolyo'y binibigyan ng daan.
Babalik na naman bangungunot ng nakaraan
Mas grabe pa ang kahihinatnan ng sambayanan
Pagsasamantalang nagdudulot ng kahirapan
Monopolyong hatid ng imperyalistang isipan.
Halina maralita, kumilos tayo't lumaban
Pagkakaisa'y bigkisin para sa kalayaan
Manggagawa ang ating hanay lalong palakasin
Ang pang-aapi ay tuluyan na nating buwagin.

Thursday, June 9, 2011
Ang Kapalaran ng Sanggol
-June 6, 2011
Anong kapalaran ng sanggol sa hindi patas na panahon?
Sapat kaya ang pag-aaruga na sa kanya'y nakalaan?
Boses kaya'y naririnig sa tuwina siya'y dumaraing?
Kung kalusugan niya'y nasa bingit, ano kaya ang darating?
Ang kanyang minamahal na ina ay sampu ang iniluwal
Nagsisiksikan pa sa tahanang ga sino na ang pagbuwal
Madalas nga ang sa gutom inaabot nila'y panginginig
Mamamatay nga silang dilat ng wala man lang nakarinig.
Ang kanyang ama'y sa kalsada namumuhay ng may dangal
Basura'y ginagawang pera hindi batid ang pagkapagal
Kakapit sa patalim sa suliraning di kayang sagutin
Walang magawa sa opurtunidad na ang hirap abutin.
Ang binata'y nakabuntis, isang katorse anyos na paslit
Nagmamahalan nga sila na sukatan ng dusa't pasakit
Tatakbo sa kung saan kagyat na maghahanap ng silungan
Aborsyon lang ang kayang paraan ng mura nilang isipan.
Ang dalaga ay si Nene, kahirapan ng buhay ay batid
Katuwang siya ng pamilya sa paghahanap ng pantawid
Sa Club kung sinu-sino na lang ang kaulayaw sa magdamag
Kahit na ang murang katawan parang karneng pinapagpag.
Ang sanggol ay nasa bisig kalong ng nananangis na ina
Walang kamalay-malay maaaring maganap sa kanya
Tila ang gobyerno'y walang plano sa kinabukasan.
Hinahayaang pang maglaho nakalatag na karapatan.

Monday, June 6, 2011
Babae Ka
-June 4, 2011
Babae ka, sa ganang akin
Minamahal dahil babae ka
Dahil babae ka para sa lalaki
Dahil para sa tahanan nagniningning.
Babae ka, sa ganang akin
Dahil minsan ika'y doktor
Isang nars na mapag-aruga
Serbedura sa gabi't umaga.
Babae ka, sa ganang akin
Isang magaling na kusinera
Labandera't plantsadora
Minsan tubero sa kusina.
Babae ka, sa ganang akin
Di ba't elektrikpan binubutingting?
Pintor ka't karpintero
Sa ilalim ng araw ika'y hardinero.
Babae ka, sa ganang akin
Epektibo kang titser
Taga-ayos ng kakarampot na budget
Taga-salo ng 'sang katutak na suliranin.
Babae ka, sa ganang akin
Isa kang pabrika ng mga bata
Kakat'wang punching bag
Parausan lang ni mister.
Babae ka, sa ganang akin
Dahil itinakda ka lang ng lipunan
Pero wala sayong nagmamay-ari
Babae ka! Tumindig ka!

Nasaan ka kasama?
-May 21, 2011
Anong nangyari sayo kasama?
Bakit ikaw ay nagkaganyan?
Di ba't pinupuri ka ng iyong ina,
Kahit minsan ay inaalipusta?
Bakit sa masukal ika'y naglalakbay,
Dala-dala ang iyong mga anak?
Sinusubukan mo ba ang iyong kagitingan?
Kahit pasakit ang daratnang kapalaran.
Naubos na ang iyong luha
Sa hapdi ng iyong pag-iisa
Bibitaw ka na ba sa nagliliyab na laban,
Sa tunggaliang niyakap ng iyong mahal?
Iminulat ka ng teribleng panahon
Nagmulat ka rin sa maraming pagkakataon
Sa gitna ng digma ika'y isang rosas
Hindi isang kalapating naghihinagpis.
Nasaan ka na kaya kasama?
Sana ang lagay mo'y mabuti
Prinsipyo'y 'wag sanang iwaksi
Sa wagas ng pusong nakakubli.

Subscribe to:
Posts (Atom)