Manggagawa
July 1, 2011
16:00
Natataranta ang mga paa sa paghahabol ng oras,
Nagkakarera sa pagsibol ng umaga.
Sa paghaplos ng haring araw sa mga balat
Na nagkakaisang kahit ano pang kinis nito’t gaspang
Pagsasamantalahan ka ng init,
Susunugin,
Papasuin.
Walang pakundangan ang bawat minuto
ng walong oras mong sumusobra
Sa pabrika,
Sa mga fast food,
At nakakalulang mga mall.
Ang mga galaw ay parang robot na de baterya
At kahit ga’no pa ang pagpatak ng pawis
ay walang katumbas na halaga.
Mabuti kung ang lipunan ay nagiging patas
Sa pagtingin at trato sa mayaman at mahirap.
Mabuti kung ang manggagawa’y lagi ng may tagapakinig
Sa libro de kwenta ng kanyang kalayaan at karapatan.
Dumarating sa puntong kailangan niyang dumaing
Nananakit ang balikat at kasukasuhan,
Nagkakapalang kalyo sa bawat detalye ng palad.
At ang mga paa
Patuloy na tumatakbo,
Naghahabol,
Nakikipagkarera sa buhay
Sumasalo ng buong bigat at paghihirap.
Manggagawa
Isa siyang manggagawa
Nagpapatakbo ng makina
Hindi pinapatakbo ng makina
Hinding hindi.
Sunday, July 24, 2011
Pagbubuklod
Pagbubuklod
July 1, 2011
20:30
Iisiping pagbubuklod buklurin
Ang pinaghiwa-hiwalay na ideya ng pagkabigo
Na ang katotohanan ay ang kahinaang harapin ang pagamba
Ang takot na hindi na muling makita ang saya.
Iisiping sa pagkawatak-watak, pagbubuklod buklurin
Ang dahilang pagbabangga ng iba’t ibang pananaw
Na ang tunay ay ang pagkakabansot ng tindig at kaalaman
Ang ninakaw na karapatang makita ang totoong kalagayan.
Iisiping susubukin ang lahat ay pagbubuklod buklurin
Ang makita ang kamalian ng bawat isa’y tama
Na saan mang anggulo ng paroo’t parito’y kailangang magkaisa
Ang tao’y hindi lang kami o tayo sapagkat iisa tayo.
Iisiping tamang pagbubuklod buklurin
Ang layu-layong damdaming puno ng emosyon
Na ang bawat pagtibok ng puso’y makikita ang sidhi
Ang pagnanais sa tagumpay na iisang mithi sa kanya kanyang paraan.
Iisiping pagbubuklod buklurin
Ang batabatalyong paksyon ng silakbo ng isipan
Na ang bigat ng dala dala’y paghahatian
Ang tangi munang magagawa’y bigkisin ang prinsipyong dumadaloy sa bawat isa.

Tuesday, July 19, 2011
Akin Lang
Akin Lang
Aangkinin ko ang aking araw
Ipagkakait ko ang aking gabi
Kahit may mga luha ng nagwawala
Sa pakiramdam ng dulo ng aking pag-iisa.
Pilitin ko mang maging masaya
Ngunit may kulang, hindi ko madama
Ang pighati ay nakaukit na sa aking puso
At di ko matanggap, kahit ang lunas.
Sasabayan ko ang bawat himig ng awit
Kahit ang balikat ko'y bagsak
Sa gulagulanit kong pag-iisip
Kailan kaya mapapawi ang lumbay.
Tanungin ko kaya ang mga anghel
Baka sakaling ibaba nila ang mga tala
Di man ngayon, maaaring bukas o sa susunod
Dumungaw ang liwanag, magpakita ng gilas.
Ngunit ngayo'y ipagkakait ko ang aking araw
O kahit ang gabi ay hindi ko ibibigay
Sasarilinin ko ang lahat pati na ang wakas
Dahil akin ang aking araw, akin lang, walang iba.
Hulyo 20, 2011
00:31

Subscribe to:
Posts (Atom)