SUNG BY DOUGHLAS OF DROP THUG (2nd Stanza)
ARRANGED & WRITTEN BY An2ño & Doughlas
ANG BAYAN NA SINILANGAN AY PUNONG PUNO NG POOT
WALANG KWENTA NA GOBYERNO, WALANG GINAWA KUNG DI MANAKOT
TILA MGA BUWAYA LAHAT KINUKURAKOT
PANO GAGALANGIN KUNG KAYO MISMO ANG SALOT
NAPAKAMOT NA LAMANG ANG TULAD KONG MANGGAGAWA
SA KASAGSAGAN NG HIRAP TAYO LAGI ANG KAWAWA
AT PARANG WALA NA NGANG BUKAS ANG SA ‘TIN NAGHIHINTAY
KARAPATAN NG BAWAT ISA, HINDING HINDI IBINIBIGAY.
HINDI NA NGA MAPAGKASYA ANG AKING KINIKITA
HALOS MATUMBA SA GUTOM DAHIL KUMAKALAM ANG SIKMURA
SA PANG-AAPING DINARANAS SA KAMAY NG KAPITALISTA
ANG BUHAY NA WINASAK TILA WALA NA BANG HUSTISYA
DUGO AT PAWIS ANG AKING IPINUHUNAN
LAKAS SA PAGGAWA ANG NATATANGI KONG PANLABAN
HINDI AATRAS KAHIT HIRAP ANG DINARANAS
PRINSIPYO KO! DI MABIBILI KAHIT BUKAS ANG LUMIPAS.
Tuesday, March 23, 2010
Wednesday, March 10, 2010
Ang Nais Ko
ni Anthony Barnedo.
Ang nais ko’y ulan upang diligan ang lupa
Nang ang uhaw ay mapawi’t makitang basa
Lalangoy sa dagat, hinding hindi sa basura
Malinaw na pag-asa’t bubura sa problema.
Ang lupain ay bitak-bitak kinalaunan
Walang pakinabang ang kanal na dinaraan
Sadyang tao nga ang talagang may kasalanan
Sa damdaming nagliyab ni Inang Kalikasan
‘Wag daw magsunog ng tanso, pobreng maralita
Basura’t usok kung saan ay nakakasira
Naglalahikang plantasyon namamayagpag nga
Gawa ng gobyerno’y kundi maningil ng gana
Kasabay ng pag-unlad pagbabago ng klima
Habang ang marami’y nawawalan ng pag-asa
Bakit hindi kaya ang sistema’y palitan na
Ng hindi naaabuso ang yaman ng bansa
Ang yaman nga’y ninakaw saka pinagsasahan
At si inang kalikasan nadustang tuluyan
Lupa’y binungkal, tinayuan ng kaharian
Na s’yang pabrika ng gahamang kapitalista.
Kaya’t ang nais ko’y umulan ng kalakasan
Upang madiligan tuyong damdaming sugatan
Maging simula ng pagbabago ng panahon
‘sang pagtangis sa pinaghaharian ng ilan.
Ang tulang ito‘y may labing apat na pantig bawat taludtod.
March 10, 2010 – 15;17

HINDI IKAW ANG DAHILAN
HINDI IKAW ANG DAHILAN
ni Anthony Barnedo
Ang mundo ay alipin ng ‘sang laksang dusa
Na nagmumula sa kaunlaran ng gamit at sandata
Pilitin mo mang sumabay sa rumaragasang lawa
Dugo at sakripisyo ang tangi mong pag-asa.
Ang segundo ay dumadaan at di mapipigilan
Katulad ng pagdaranas sa uring namuhunan
Ito man ay ikamatay ng kaawa-awang katawan
Wala silang pakialam basta’t tubo’y makamtan.
Ang kita’y magtatawid ng uhaw at kagutuman
Ngunit ito’y di magpapawi ng linaw sa kahirapan
Subukin mong maging masipag at matiyaga man
Iilan pa rin ang magkakamal ng iyong pinagpaguran.
Hintayin mo’t ang pangako’y wala kang mapapala
Magaling man sila’t matalino, di pa rin sila iba
Sa mga naunang imahe ng hunyango’t buwaya
Na sa kaban ng bayan sila-sila ang nagtamasa.
Kaya’t wag mong isisi sayo ang ‘yong kahirapan
Sapagkat ang opurtunidad ay kanilang pinipigilan
Wala silang alam kundi magpalago ng yaman
Kahit na nadurungisan ang iyong karapatan.
Ang tulang ito ay nabuo sa pansamantalang opisina ng DAMPA 775 Inc. March 06, 2010

Subscribe to:
Posts (Atom)