Sadya ngang NAKAKAKILABOT ang karumaldumal na pangyayari sa Maguindanao. Ano bang kademonyohan ang bumalot sa kaisipan ng mastermind ng pangyayaring iyon, NAKAKAKILABOT!
Malinaw na pag-aagawan sa kapangyarihan ang dahilan, pag-aagawan sa posisyon kung sino ang manunungkulan sa pagpapatakbo ng gobyerno sa bayang iyon.
Makapangyarihan pamilya ang 'suspek', di ba, makapangyarihan din ang biktima?
Malinaw na ang bayan na kung saan tumabo ng husto ang mga kandidato ng Partido ni Pangulong Macapagal Arroyo nitong nagdaang eleksyon... Malinaw ba na ang kapalit ng solidong suporta sa pinakamataas na pinuno ng bansa ay ang paghahari sa kanyang nasasakupan!
Nagtatanong lang ako kung anong sistema meron ang ating bansa?
Nangangamba kasi ako na sa darating na panahon ay hindi lang sa Maguindanao magyari ang ganuon!
Pa'no kung ang ganoong pangyayari ay danasin ng bansa?
Kung sila'y dating magkasama sa iisang partido at dahil sa hindi pagkakasundo sa takbo ng pulitika ay ayos lang na may magbuwis ng buhay... Pa'no pa ang mga sumisigaw at nagsusulong ng pagbabago na derektang nagpapahayag sa Malakanyang!
Ligtas pa kaya sa ating bansa?
Ligtas pa kaya ang mamamayan, ang mga mamamahayag, ang aktibista!
Nakakakilabot....
No comments:
Post a Comment